About HotForex

mas marami sa 500,000

Live Account na Nabuksan

mahigit sa 6

Taon sa Negosyo

higit sa 150+

Empleyado sa Buong Mundo

mas marami sa 20

Parangal sa Industriya

higit sa 27

Sinusuportang Wika

Sino kami

Ang HotForex ay isang pinarangalang broker ng forex at commodities na naghahatid-serbisyo at pasilidad sa pagte-trade sa parehong retail at institusyonal na mga kliyente. Dahil sa patakaran nito ng paghahatid sa mga kliyente ng pinakamahusay na kondisyon sa pagte-trade at sa pagbibigay-daan sa mga scalper at trader na gumamit ng mga ekspertong tagapayo na nagtataglay ng walang-limitasyong pag-access sa liquidity, napuwesto ng HotForex ang sarili nito bilang forex broker na pinipili ng mga trader sa buong mundo.



Ano ang ipinaglilingkod namin

Nag-aalok ang HotForex ng iba’t-ibang uri ng account, trading software at mga kagamitan upang gawing napakadali para sa mga indibiduwal at kliyenteng institusyon na mangalakal ng Forex at mga CFD sa online. Lahat ng Retail, Affiliates and White Label na kliyente ay may pagkakataong i-akses ang iba’t-ibang mga spread at liquidity sa pamamagitan ng mga pinakamakabagong automated trading platform. Nagbibigay ang HotForex ng walang kapantay na iba’t-ibang opsyon sa account na maaaring piliin ng mga kliyente upang magkaroon sila ng isang pasadyang karanasan sa pangangalakal na swak na swak sa kanilang mga pangangailangan. Kasama ng mga nakalalamang na kondisyon sa pangangalakal at napakabilis na pagpapatupad, ibinibigay ng HotForex ang lahat ng tools at serbisyong kinakailangan para mapatupad ng mga kliyente ng anumang antas ang kanilang mga hangad sa pangangalakal.

Not just a mission, it's a promise


Ang Aming Misyon ay ang Maghatid ng Pinakamahusay na Serbisyong Pangkostumer sa aming mga Kliyente sa pamamagitan ng pagpapanatili ng Napakhusay na Kulturang Nakakiling sa Kapakanan ng Kliyente. Sa ganitong paraan, makakamit natin ang ating Pananaw na mapanatili ang ating posisyon bilang Nangunguna sa Merkado na kilala dahil sa ating Napakahusay na mga Serbisyong Pangkostumer

Opisyal na Corporate Video ng HotForex


Palagi mong kasama


Ang Aming mga Paniniwala


Ang aming Mga Paniniwala ang siyang daan upang palagi naming makamit ang aming Misyon

  • Pahangain ang aming mga Kliyente sa pamamagitan ng aming Serbisyo
  • Maging Marubdob at Determinado
  • Magkaroon ng Mataas na Pagkilala sa mga katrabaho at mga kliyente
  • Bigyan ng lubos na pagpapahalaga ang Feedback ng Kliyente
  • Bumuo ng Positibong Pangkat at Magandang Samahang Pampamilya
  • Maging maaasahan at Mabisang makipag-ugnayan
  • Magsulong at Tumanggap ng Pagbabago
  • Panagutan ang aming mga Pagkilos

Inaalis ang mga limitasyon


Dahil sa maraming taon ng aktibong karanasan sa pagte-trade sa maraming platform at mga merkado, natukoy ng patuloy na umuunlad na pangkat sa pamamahala ng HotForex na mas magigipit ang mga tradisyonal na forex broker sa web dahil sa kanilang mga pagkaantala sa pagpapatupad ng mga trade, madalas na pagbagsak ng kanilang system at hindi magandang pangkalahatang serbisyong pangkostumer. Bilang resulta, nilalayon ng HotForex na ituro ang daan ng pag-unlad sa pamamagitan ng paggamit ng natatanging teknolohiya, makabagong solusyon sa system, mababang halaga ng komisyon at di-mapantayang serbisyong pangkostumer.

HF Markets Group

Ang HotForex ay ang pinagsamang pangalan ng brand ng HF Markets Group:

Nagbibigay ang HotForex ng maaasahan at premyadong mga serbisyo ng pangangalakal sa mga kliyente nito sa buong mundo.



Kasama mo sa bawat hakbang

Pinakamahalaga sa HotForex ang mga kliyente nito, kung kaya't ang lahat ng ginagawa namin ay palaging naglalayong mapahusay ang kanilang pangkalahatang karanasan sa pagte-trade. Ang aming pagtatalaga sa mga kliyente ay nagmumula sa aming paniniwala ng pag-aalok ng antas ng serbisyong pangkostumer na walang-katulad. Ang pangkat sa serbisyong pangkostumer ng HotForex ay binubuo ng mga propesyonal sa industriya na makakausap nang 24/5, upang matulungan ang mga kliyente sa anumang maaari nilang kailanganin mula sa paunang pagrerehistro hanggang sa pagwi-withdraw ng mga kinita sa pagte-trade.

Pananagutang Panlipunan





sponsorships


about