HotForex VPS Hosting


Ang Lakas ng MT4 ay maaari na ngayong Pakinabangan

May libreng VPS hosting na inaalok ngayon sa parehong mga bago at kasalakuyang customer na magdedeposito ng minimum ng $5,000 at pananatilihin ang halagang ito para sa mga sumusunod na buwan sa kanilang Wallet o Live Trading account. Pinapayagan ng Virtual Private Server (VPS) hosting ang pagpapatupad ng mga order 24 na oras ng araw, 5 araw ng linggo. Kaya ipinapahintulot ng VPS hosting ang mangangalakal na pakinabangan ang mga espesyal na kondisyon ng pamilihan na maaaring hindi available dahil sa time zone o heograpikal na kalagayan.

Samakatuwid, pinapayagan ng VPS hosting na ma-install at tumakbo nang walang interupsyon ang iyong ginugustong EA Application 24 oras ng araw, 5 araw ng linggo. Hindi makakaapekto sa iyong pangangalakal ang mga brownout dahil hindi kailangan ng VPS na tumatakbo ang kompyuter.


Malakas at Protektadong Koneksyon

Gamit ang HotForex VPS hosting, ang parehong pagpoproseso ng mga Expert Advisor order pati na rin ang iyong mga personalized trading selection ay maaaring mapatupad nang sabay. Binibigyan ng VPS hosting ang mangangalakal ng mahahalagang bentaha - kaya’t makalamang na ngayon.


Mga Bentaha ng HotForex VPS

  • Gumagana kasama ng LAHAT ng Expert Advisor
  • Kakayahan na mangalakal ng iba’t-ibang uri ng assset kabilang ang Forex. Ginto, Pilak, Langis, Mga Indise, Single Stocks at Commodities
  • Libre kasama ng anumang iisang deposito na higit sa $5,000 ($8,000 para sa LIBRENG Advanced VPS)
  • Kakayahan na patuparin ang mga kalakalan 24 oras ng araw, 5 araw ng linggo nang hindi kailangang tumatakbo ang iyong kompyuter 24 oras ng araw, 5 araw ng linggo
  • Naaakses mula sa alinmang lugar sa mundo
  • Mataas na kaligtasan na may password accessibility para lamang sa end user
  • Mga dedikadong tagapangasiwa na sumusubaybay sa mga server
  • CPU Hanggang sa 2200MHz
  • RAM 512MB
  • Unlimited na bandwidth
  • Standard VPS $30/buwan, $360/taon
  • Presyo ng Advanced VPS: $50/buwan, $600/taon

Gabay sa Paggamit tungkol sa Paano Kumonekta sa Iyong VPS gamit ang Windows 7


Mga Karaniwang Tanong sa HotForex VPS

  • Aling Operating System ang naka-install sa aking HotForex VPS?
    Ginagamit namin ang Microsoft Windows Server 2003 R2 Enterprise Edition SP2.
  • Ano ang mga espesipikasyon ng aking HotForex VPS?
    Standard VPS:
    CPU: 1100MHz
    RAM: 512MB Garantisado / 1GB Maximum
    Hard Disk: 20GB
    Bandwidth: Unlimited
    Presyo: $30/buwan, $360/taon
    Advanced VPS:
    CPU: Upgraded sa 2x1100MHz
    RAM: 1GB Garantisado / 2GB Maximum
    Hard Disk: 50GB
    Bandwidth: Unlimited
    Presyo: $50/buwan, $600/taon
  • Paano ako makakakonekta sa aking VPS?
    Dahil ito ay isang Windows VPS, maaari kang makakonekta sa pamamagitan ng Remote Desktop Connection (RDP).
    Sa iyong Windows na kompyuter, pumunta ka sa 'Start' > Hanapin mo ang 'Remote Desktop Connection'.
    Pagkatapos ay magbubukas ang isang bintana na hihingi sa iyo ng Server/IP. I-type mo ang IP ng iyong HotForex VPS at pindutin mo ang 'Enter'.
    Pagkatapos ay dapat mong ilagay ang Username at Password, kaya’t gamitin mo ang mga ibinigay sa iyo at mag-click sa 'Connect'.
  • Handa na bang gamitin ang aking VPS sa panahon na kumonekta ako?
    Oo, ang HotForex MT4 Terminal ay naka-pre-install sa iyong VPS. Ang dapat mo lang gawin, kapag kumonekta ka sa unang pagkakataon, ay ilagay ang iyong HotForex MT4 Account ID at Password.

Mga Tuntunin at Kondisyon ng MT4 VPS

  • Ang libreng Serbisyo ng VPS ay available lamang para sa mga deposito simula ng pagkatapos ng ika-9 ng Hulyo, 2012.
  • Kinikilala ng kliyente na nabasa na niya at ganap siyang sumasang-ayon na sundin ang mga tuntunin at kondisyon ng VPS, pati na rin ang mga tuntunin at kondisyon ng Hotforex kapag magbubukas siya ng isang live trading account o sa pagkuha ng libreng serbisyo ng VPS ng HotForex.
  • Isang minimum na kabuuang balanse ng $5,000 ay dapat panatilihin sa wallet ng kliyente o mga live trading account upang makatanggap ng mga libreng serbisyo ng MT4 VPS.Upang patuloy na makatanggap ang isang kliyente ng libreng serbisyo ng MT4 VPS, dapat matugunan ang mga sumusunod na pamantayan:
    a) Magpanatili ng kabuuang balanse ng 5,000 USD o katumbas nito.
    b) Makakumpleto ng minimum na buwanang bulumen ng pangangalakal na 5 lots.
  • Upang patuloy na makatanggap ang isang kliyente ng libreng serbisyo ng MT4 Advanced VPS, dapat matugunan ang mga sumusunod na pamantayan:
    a) Magpanatili ng kabuuang balanse ng 8,000 USD o katumbas nito.
    b) Makakumpleto ng minimum na buwanang bulumen ng pangangalakal na 8 lots.
  • May karapatan ang HotForex na tanggalin ang serbisyo ng VPS kung hindi natugunan ang 2 pamantayan sa itaas. Kung sakaling nais ng isang kliyenteng patuloy na makinabang sa serbisyo ng VPS, dapat siyang magbayad ng 30 USD o katumbas nito upang tugunan ang gastos ng VPS. Sumasang-ayon ang kliyente na ang bayad ng 30 USD o katumbas nito ay awtomatikong ibabawas sa trading account ng kliyente kung: a) Hindi natutugunan ng kliyente ang mga kinakailangan na nakalista sa sugnay 3, maaaring may bayad ng 30 USD o katumbas nito na ipapataw upang patuloy na gamitin ang serbisyo ng VPS.
  • Ang kliyente ay sumasang-ayon at kinikilala na walang pananagutan ang HotForex sa pagpalya ng VPS sa anumang paraan, kabilang ang, nguni't hindi limitado sa: mga brownout, mga teknikal na pagpalya, anumang pagpalya ng komunikasyon/datos, mga pagpalya ng sistema, atbp. Kinikilala ng kliyente na ang VPS hosting ay kinokontrol ng isang ikatlong partido at hindi mananagot ang HotForex para sa anumang mga pagpalya na nauugnay sa VPS hosting.
  • Ang libreng serbisyo ng VPS ay limitado sa isang account bawat account holder.
  • Kung pinaghihinalaan ng HotForex na may isang kliyente ang nag-abuso o nagtangkang mag-abuso sa promosyong ito, inirereserba ng HotForex ang karapatan na tanggihan o tanggalin sa kliyente ang kanyang pagiging karapat-dapat na makilahok sa serbisyo ng VPS kahit na natutugunan niya ang mga kinakailangan sa mga kondisyon sa itaas. Kung kinakailangan, ang HotForex ay may karapatan na kanselin ang lahat ng tuntunin at kondisyon na may kinalaman sa kliyente, pansamantala man ito o permanente.
  • Inirereserba ng HotForex ang karapatan na palitan, baguhin o tapusin ang promotional offer na ito sa anumang oras nang walang pahintulot ng Kliyente.
  • Hindi maaaring mag-withdraw ang kliyente ng mga pondo na may balak na muling ideposito ang mga naturang pondo upang makinabang sa promosyong ito. Kung mangyayari ito, may karapatan ang HotForex na ibukod ang kliyente mula sa promosyon ng VPS hosting.
  • Upang makuha ang serbisyo ng MT4 VPS, mangyaring mag-click sa icon ng Libreng VPS sa loob ng myHotForex.
  • Ang Virtual Private Server ay hino-host at pinapamahalaan ng isang tagapagbigay ng VPS hosting na ikatlong partido. Ang unang antas ng suporta ay maaaring ibigay ng IT Department ng HotForex, sa pamamagitan ng pagpadala ng isang ticket sa vps@hotforex.com. Habang magsusumikap kaming bigyan ka ng suporta at lutasin ang anumang isyu na maaaring mayroon ka, ang ilan sa iyong mga ticket ay maaaring kailangang direktang ipadala sa tagapagbigay ng VPS dahil wala kaming pisikal na akses sa main node.
  • Inaalok lamang ang VPS para sa mga trading account na binuksan/na-import sa loob myHotForex.

Paano mag-apply para sa isang libreng VPS

  • Mag-login sa myHotForex.
  • I-click ang 'Libreng VPS' na button sa main menu at sundin ang mga tagubilin.


tools